Cawongan, dinomina ang Tangob; Datingginoo, umeskapo sa dulo

Binuwag ng Cawongan Elementary School ang puwersa ng Tangob Elementary School gamit ang swabeng heading shot sa huling set ng laro sa kakatapos na Decision Match ng Sepak Takraw sa Bawi Elementary School, Nobyembre 8.

Itinala bilang Best Player of the Game ang tekong na si Matteo Datinguinoo ng Tangob matapos kumubra ng 4 service aces sa buong laro ng ikatlong set, dahilan para masilat ang kampeonato.

“Nagtraining na kami at inaral ang rules sa game” ani Datinguinoo, “Masaya, dahil nanalo kami sa sepak” dagdag pa niya.

Nagpamalas ng malinis na service ace ang tekong ng Cawongan na si Archie Abante sa simula ng laro at itinabla ang marka kontra Tangob, 5-5.

Samantala, namuhunan naman ang Cawongan sa mga service error, fault heading, at outside spike na nagawa ni Abante, sapat para makuha ang momentum sa puntos na 8-5.

Bunsod nito, patuloy na nanalasa ang mga faults ng Cawongan sa Tangob at naitarak ang 5-point lead na bentahe, 10-5.

Naudlot naman ang tuloy-tuloy na pagselyu ng nasabing koponan matapos na makagawa ng mga service error at fault spike nina Datingginoo at Marcus Buising ng Cawongan, 8-10, sa dikdikang salpukan ng laban.

Rumatsada ang matibay na depensa ng Cawongan sa pangunguna ng receiver na si Marius Dimaculangan para tuluyang mamuhunan sa kampo ng Tangob, 14-9.

“Dedicated, training, gabay sa itaas at gusto ko na i-enjoy nila ang laro at gawin ang best nila” ani coach Rosemarie Villar bago magsimula ang laban.

Tinuldukan ni Datinguinoo ng Cawongan ang Tangob gamit ang kanyang panghuling tira na heading kasabay ang sanib-pwersang depensa ng kaniyang koponan, 15-9, sapat para maisara ang Decision Match ng laban.

Sisipa hanggang Dulo:

Ang Pangakong Hindi Napako

Pangarap ng bawat manlalaro ang makamit ang korona ng pagkapanalo sa bawat laban na kanilang kinahaharap. Ito ang pinanghahawakang sandata ng atletang si Matteo Datinguinoo, 12, ng kanilang koponan sa paaralan ng Cawongan Elementary School sa nag-aalab na Decision Match ng Sepak Takraw sa Bawi, P. Garcia, Batangas.

Kaakibat ng bawat pangako ang kasiglahan at kagandahan ng pag-iisip na maiuwi ang korona sa kanilang paralan. Siya ay nagpakita ng lakas at maayos na karta ng pangangatawan, para sa isang maganda at matikas na laro na kanyang ipinamalas sa naging laban.

“11 years old pa lamang ako ay natuto na akong maglaro ng sepak. Hanggang ngayon ay nangangako akong ipagpatuloy ang pag-eensayo at pag-aaral ng rules ng game para manalo” ani Datinguinoo.

Sa bawat patak ng pawis na tumutulo sa kanyang muka, hindi siya nawalan ng gana na ipagpatuloy ang nasimulang mahusay na laro at maayos na pag-unawa. Dinala niya ang kanyang mga kasamahan sa pagkapanalo na kanilang hinahangad.

“Nahirapan ako ngunit masaya dahil nanalo kami” saad ni Datingginoo habang may bakas ng pagkatuwa sa kanyang mga labi.

Bunsod nito, lubos ang kasiyahan na ipinakita ng kanyang samahan dahil sa malinis na laro na kanilang ipinalasap sa kanilang kalaban. Hindi niya binigo ang kanyang pangako na mailusot at mauwi ang kampeonato.

Samakatuwid, makakamit ang inaasam-asam na pagkapanalo dahil sa puspusang pag-eensayo at dedikasyon na magsisilbing daan sa tagumpay ng bawat manlalaro. At ito ay malinaw na pinatunayan ng atletang si Datinguinoo sa pagtupad ng sariling pangako sa pamamagitan ng pagiging dedikado.

Pagsubok sa mga Pagsubok:

Ang Kakulangan ni Abante na Dumiskarte

Isa sa mga nagiging problema ng bawat atletang Pilipino ay ang pagiging kampante sa isang laban o ‘di kaya nama’y sa kakulangan ng stratehiya ng koponan. Kapansin-pansin ang nagkulang na determinasyon at tiwala sa sarili ng manlalarong si Archie Abante sa ginanap na Decision Match ng Sepak Takraw ngayong araw, ika-8 ng Nobyembre.

Walang saysay ang kapaguran at madalas napag-eensayo kung hindi naman nagtutulungan ang bawat miyembro ng isang kampo. Hindi masasabi ang magandang kalalabasan ng isang laban kung ang dala-dala lamang sa loob ng laban ay ang malakas na tiwala sa sarili at maayos na karta ng pangangatawan.

“Magaling ang kalaban namin at nagkulang kami sa training at receive” ani Abante pagkatapos ng laro.

Aniya, tatlong beses sa isang araw sila nagtre-training at suportado siya ng kanyang mga magulang sa paglalaro ng sepak. Batay sa kaniya, may nakita at napanood siya sa youtube na isang laban ng nasabing isport at kanya itong sinubukan. Subalit, hindi ito sapat para makamit ang pangarap ng bawat manlalaro.

Bunsod nito, ang pagkakaroon ng dikdikan at masinsinan na ensayo ang siyang makakatulong sa pag-unlad ng bawat atleta. Ang dedikasyon sa bawat bagay na ginagawa ang sandata sa ika-gaganda at ika-papanalo ng laban.

“Ayos naman ang game. Nagkataon lang na nakita ng kalaban ang weakness ng aming team” saad ng kanyang tagapagturo na si Myla Macalintal. “More, more, more practice pa” dagdag pa niya.

Kung susumahin, nararapat lamang na ang bawat manlalaro ay magkaroon ng masigla at maayos na samahan sa loob laro. Hindi lamang sa isang laban kundi pati na rin sa bawat ensayo na gagawin. Ito ang tiyak na magpapatunay na ang kakulangan sa bawat pag-abante ay may sapat na dedikasyon na siyang magiging solusyon.